Malakas ang ingay sa loob ng jeep;
Jeep na byahing papalayo sa bahay;
Bahay na tinuring mula pa sa pagkabata;
Pagkabatang apatnapung taon nang nakaraan.
‘Pag kaabot ng bayad, bumaba;
Bumaba sa harapan ng pamantasan.
Pamantansang dalawang taon nang tinuring pangalawang bahay;
Pangalawang bahay ng ikalawang kurso.
Tumuntong sa gusaling halos katabi lang ng gate;
Gate na ilang beses nilalabas-pasok linggu-linggo.
Linggu-linggo na halos walang patid na pagbabasa at pagsusulat;
Pagsusulat ng iniisip, nababasa, nararamdaman, ng isasagot sa eksam.
Parang walang katapusang pagsagot sa maraming tanong;
Tanong ng sarili, ng mga kamag-aral na pawang naghahanap;
Naghahanap ng di mawaring sagot;
Sagot sa mga tanong sa sarili, sa kapwa, sa buhay.
This is where I put all of my writings. Be they articles, stories or poems. It may also include things I find interesting -- song lyrics, a reaction to an article I came across, manga that I'm currently reading & keeping tabs on (Bleach & Nurarihyon No Mago). I hope you'll find my blog interesting enough to read on. Anyways, it's my way of recording my thoughts and such.
Friday, May 20, 2011
Pagmumuni-muni
Sunday, May 15, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment