Thursday, May 26, 2011

A comment found on the Net

Somebody wrote his/her comment on the recent news regarding the large scale destruction of a coral reef off the coast of Mindanao: 
  "Then they should go to jail!!! how could you be so stupid ... I suppose when your overwhelm with the countries problem you would do any thing in desperation including selling your soul to the devil...its really sad these poachers dont know that the corral reefs protects the coast from soil erosion and it harbors as much life as the rain forrest ....your going to have less tourist diving in these waters because of some ones GreeeeeeD!!!" 
 - I may agree with his/her ideas but not necessarily with his/her grammar.


...!d(-_-)b!...

Tuesday, May 24, 2011

A Cigarette in the Rain (song)

by Randy Crawford

guess the end is near,
the reasons now are clear.
still it seems strange somehow to fall in love;
only to find our love is not enough.

like a cigarette in the rain;
a single drop puts out the flame.
we were lovers but we were never friends.
should have known that it would end
when the first storm came.
like a cigarette in the rain.

what a cruel twist of fate,
to watch our love turn to hate.
all of the arguments, the needless fights;
nothing in common but our sleepless nights.

like a cigarette in the rain.
a single drop puts out the flame.
we were lovers but we were never friends.
should have known that it would end,
when the first storm came;
like a cigarette in the rain.

i heard the thunder miles away.
didn't think that it would work out this way.
the storm came and it rained all night;
washed away all our love before the morning light.

like a cigarette in the rain.
a single drop puts out the flame.
we were lovers but we were never, never friends.
should have known that it would end;
when the first storm came.
like a cigarette in the rain.

like a cigarette in the rain.


PCAT Laboratory High School Batch 1978

  1. Abaya, Diogracias (deceased)
  2. Aberin, Fernando
  3. Abundo, Roberto
  4. Alde, Florencio Jr
  5. Alforque, Josephine
  6. Amper, Nicomedes
  7. Angeles, Jesus
  8. Angeles, Arnel
  9. Avila, Reinelito
  10. Barbero, Shelumiel
  11. Barican, Ricardo
  12. Blanche, Florian
  13. Borromeo, Ronald
  14. Capili, Joselito
  15. Capistrano, Noel
  16. Castro, Georgia
  17. Cornejo, Conrado
  18. Custodio, Daniel
  19. Calanag, Rowena
  20. Dy, Richard
  21. Furagganan, Roberto
  22. Gallardo, Edwin
  23. Gaskell, Eduardo
  24. Gaviola, Lorenzo
  25. Golez, George
  26. Gomez, Arnel
  27. Gomez, Manuel
  28. Granada, Ulysses
  29. Guioguio, Miguel
  30. Gumabao, Danilo
  31. Guzman, Radito de
  32. Hizola, Urbano
  33. Ibalio, Cerilo
  34. Jacobo, Leo
  35. Jarin, Fernando
  36. Javier, Danilo
  37. Justonal, Roberto
  38. Leon, Paulino de
  39. Limbag, Rodelio
  40. Lomboy, Lucila
  41. Lopez, Fernando
  42. Lumaque, Doming (deceased)
  43. Madrid, Noel
  44. Magat, Laureno Jr.
  45. Mandaue, Alvin
  46. Manglapus, Vicente
  47. Maranan, Wilfrfedo
  48. Mipaña, Danilo
  49. Miranda, Alfonso
  50. Napalan, Grace
  51. Napalan, Noel
  52. Nulud, Antonio
  53. Ofracio, Marcos
  54. Ortaliz, Ma. Eliza
  55. Ong Vaño, Baltazar
  56. Osorio, Luisito
  57. Pajuyo, Rolando
  58. Paraiso, Manolito
  59. Pedro, Alexander
  60. Pernes, Leo
  61. Pore, Emmanuel
  62. Querubin, Precioso Jr.
  63. Quindara, Ruperto
  64. Ragudo, Simplicio Jr.
  65. Rexcis, Gregorio
  66. Roy, Virgilio
  67. Ruiz, Ricardo Jr
  68. Sabido, Ernest
  69. Sacco, Alberto
  70. Sagum. Ceasar
  71. Salazar, Perla
  72. Salenga, Urbano Jr.
  73. Sambrano, Benjamin
  74. San Jose, Edgardo Elmo
  75. Santiago, Manolo
  76. Santos, Elmer
  77. Sarmiento, Reymundo
  78. Silbol, Renato
  79. Terrado, Allan
  80. Timbol, Basilio
  81. Tolentino, Antonio
  82. Vasquez, Rommel
  83. Villagracia, Abelardo
  84. Yap, Jocelyn

Monday, May 23, 2011

Invisible War (song)

Originally sung by Julia Fordham. This version is a cover by Janis Siegel (a member of the Manhattan Transfer)

invisible war

seems we're waging an invisible war,
strange maneuvers, keeping silent score
in this invisible war
every day I seem to lose you more.
both wishing that it was like before
in this invisible war.

talk about a fine line between love and hate;
we've lost more of that direction of late
talk about a fine line between lovers and friends;
we've never been lovers, now we're not even friends;
in this invisible war
seems we're waging an invisible war,
everyday I seem to lose you more.
in this invisible war.

if wounded deeply, the scar is here to stay;

opening up at the little things I do or say.
you always want things to be as before
so I make you angry and you bleed a little more
in this invisible war,
seems we're waging an invisible war,
every day I seem to lose you more.
in this invisible war.

want to run away, I still love you;

got to go away, I always love you;
got to be away, time heals all wounds.



Of A Promise Kept

I made this video as part of the requirements in my World Literature class.

A Video Tribute

This is a video tribute I made last year. He is a friend whom I haven't seen in years. I was saddened by the news of his death. As my gesture of thanks and tribute, this video was made to honor him.

Friday, May 20, 2011

Ang Kaibigan (Isang Maikling Kwento) - "The Prodigal Son"

        Pagod si Pedro sa maghapong pagbubungkal ng lupa ng kanyang amo, Jaime. Si Jaime ang pinakamayama sa kanilang lugar. Maraming ari-arian at negosyo. Halos lahat ng mga tao sa bayan ay kanyang trabahador.

       Si Pedro’y isang ordinaryong tao. Mabait. Palakaibigan. Madaling kausapin. Mababa lang ang natapos na pag-aaral dahil sa kahirapan at kapurulan ng isip. Tanging pagbubungkal ng bukid ang kayang gawin kaya ito ang naging hanap-buhay. Ang kakulangan sa talino’y binawi sa lakas ng pangangatawan. Tanging pag-inom ang bisyo. Pang-alis daw niya ng pagod sa buong araw na paggagawa sa bukirin ni Among Jaime. Maliit lamang ang bayan nina Pedro at Among Jaime. Halos magkakakilala lahat at alam ang kwentong-buhay ng bawa’t isa.

       Nag-iisang bahay-inuman ang pinupuntahan ni Pedro para maglibang. Nasa labas ng bayan ito, patungong bukid ang kinalalagyan. Kaya nadadaanan ito tuwing pauwi na siya. Kilala siya sa bahay-inuman. Halos yun at yun ding mga tao ang matatagpuang umiinom. Walang basag-ulong nangyayari dahil sa magkakaibigan lahat. Tanging pakay ay magpakalasing para pansamantalang makalimot sa mga pasanin sa buhay.

       Isang araw may dinatnang bagong salta si Pedro. Tahimik lang ito sa isang sulok at mag-isang hinihimas ang malamig na baso. Nakakalahati na ang laman nito at dahil sa may kalaliman na ang gabi ng makarating si Pedro, marami na rin ang nainom. Malayo ang tingin nito at halatang malalim ang iniisip. Di pinapansin ang mga nakapaligid sa kanya. Nakaugalian na ni Pedro ang kausaping ang mga bagong salta sa bayan para maging kaibigan. Lumapit siya at tinabihan sa kabilang upuan. Nagpakilala si Pedro. Bagay namang ikinatuwa ng kausap. Mababaw lang ang mga pinag-usapan nila sa simula. Mga simpleng bagay: pangalan, kung saan nanggaling, estado sa buhay at bakit napadpad sa maliit na bayan. Marunong makibagay si Pedro kaya madaling nagkagaanan siya ng loob ng estranghero. Nagsimula na siyang magkwento ng mga serysong bagay tungkol sa buhay niya. Marunong din mangilatis ng pagkatao si Pedro kaya madali rin niyang napansing kakaiba ang tindig ng kausap. Mula sa pananalita, sa pag-galaw, sa pagbigay ng kuru-kuro at pananaw. “May sinasabi ‘to sa buhay” ani ni Pedro.

        Lumalim pa lalo ang gabi pero hindi pa rin matapos-tapos ang kwentuhan ng dalawa. Simple lang ang mga galaw ng estranghero. Hindi balbal ang pananalita. Hindi malakas tumawa. Magalang. Kung di lang sa gusgusing pananamit nito, masasabing nakakaangat sa buhay. Makatawag-pansin ang huling kwento ng estranghero bago siya nagpaalam. Sinabi niyang patungo siya sa kanyang bayan na matagal niyang hindi nakita. Malaki ang naging kasalanan niya sa kanyang amain. Uuwi siya para humingi ng tawad. Dating siyang mayabang at sakim na tao. Pilit na hiningin ang kanyang mana sa amain kahit na buhay pa ito. Naglayas siya nang makuha ang parte niya ng yaman. Nilustay sa pag-inom, pambababae at kung anu-ano pang bisyo.

      Hanggang sa tuluyang naubos ang kanyang pera at iniwan na ng mga kaibigan. Noong walang-wala na siya at saka niya napagtanto ang kanyang kamalian. Dito niya naisipang bumalik at humingi ng tawad. Napatahimik na lang si Pedro habang nakikinig sa kwento ng kanyang bagong kaibigan.

        Makitid man ang pag-iisip pero malawak ang puso ni Pedro. Naunawaan niya agad ang pakay ng kaibigan at nakiramay sa sinapit sa buhay. Nagsabi ang kaibigan na natatakot siya na hindi siya tanggapin ng amain. Marahang sumagot si Pedro na kung talagang ganung kabait ang kanyang amain, hindi ito magdadalawang-isip na patawarin siya. Wari’y lumakas ang loob ng kausap at nagkaroon ng bagong pag-nanais na makita ang ama. At dito na nagpaalam ang kaibigan. Nagpasalamat kay Pedro sa kabutihang ipinakita sa kanya. Sabay silang lumabas ng bahay-inuman. Mag-paalam sa isa’t isa; kanya-kanyang landas ang tinahak.

...!d(-_-)b!... 

Ang Mag-Ate (Isang Dula)

Oras: Ala-sais ng umaga
Lugar: Sa gate ng bahay ni Lito

Lito (nag-iisip. nag-aagaw-tulog. galing opisina, isang call center sa Makati)

Nagkasalubong sila ng ate niyang si Tess. Tinatangka niyang buksan ito mula sa labas nang biglang bumukas ang pintuan ng gate. Si Tess ay ang nakatatandang kapatid na nagtratrabaho sa isang opisina sa Makati. Pang-umaga ang pasok kaya paalis pa lang ng bahay habang si Lito ay pauwi na.

Lito : Salamat, ‘Te. Ingat ka.

Tess : Salamat din, Etong (bansag ni Tess sa kapatid) Kamusta na work mo?

Lito : Ok naman. Marami lang “call.” Naglabas kasi ng bagong modelo ng cellphone yung kliyente namun. Madami sa “units” sira nang matanggap ng mga customers kaya ayun dagsa ang reklamo.

Napatigil bigla si Lito. Marami pa siyang gustong ikwento sa ate niya pero alam niyang gahol na ito sa oras.

Lito : (pangiting sinabi) ‘Te, sige na. Antok na talaga ako. Tsaka na lang.

Tess : Ok, sige. Alis na ko. Mamaya na lang natin ituloy.

Inihatid ni Lito ng tingin ang ate. Siniguradong nakasakay na ‘to ng jeep bago isinara ang gate. Sa magkakapatid na lima, silang dalawa lang magkalapit ang loob. Si Tess ay panganay at si Lito naman ang bunso. Lumaki si Litong nanay-nanayan si Tess. Madalas lapitan ang ate ‘pag may problema siya.


Nakatulog na si Lito pagkatapos niyang mag-almusal.


Pagdating ng hapon, magkapalit naman ang mag-ate. Paalis na siya at parating naman si Tess.

Tess : (medyo namumugto ang mga mata)

Lito : Ate, bakit?

Tess : Wala ‘to. Meron lang akong natanggap na di magandang balita sa office namin.

Lito : Eh ano yun?

Tess : Wala ‘un. Sige na. Alis ka na. Baka mahuli ka pa sa trabaho. Alam kong mahigpit sa oras ang office nyo.

Lito : Ok lang yun. Sinabihan ako na mag-half-day. So, hindi ako nagmamadali. (sabay ngiti)

Tess : Ah ganoon ba?

Lito : Oo kaya ano ba ang problema mo? Baka makatulong ako.

Tess : Ok… (medyo napipigilang magsalita) Baka kasi matanggal ako sa opisina eh. Medyo nalugi ang company last year. Kaya nasabihan kaming lahat na magbabawas ng tauhan.

Lito : ‘Te, ano dating sa ‘yo nun? Ano ang tyansa na matanggal ka?

Tess : Depende sa performance daw. So may evaluation kami mula bukas. Isang buwan ang itatagal. Pagkatapos nun, maglalabas ang HRD ng listahan ng kung sino ang mananatili.

Lito : Ngek! Ang tindi naman pala ng pressure sa inyo. Pero don’t worry, ‘Te. Nandito lang ako. Ako muna ang sasalo sa ‘yo. (sabay kindat)

Tess : Salamat (mahinang ngumiti), Etong.

Lito : No problem. Panahon na para makabawi ako sa ‘yo. Ilang beses mo rin akong natulungan nang mangailangan ako. Dapat lang ako naman ang tumulong.

Napaluha si Tess nang marinig ‘yun sa kapatid. Di niya akalaing si Lito ang makakatulong sa kanya. Medyo matagal nanahimik ang mag-ate. Pawang parehong napaisip ng malalim sanhi ng kanilang pag-uusap. Nakatingin si Tess sa bintana ng bahay habang pinagmamasdan siya ng bunso. Di naglao’y palihim na pinawi ni Tess ang luha sa pisngi.

Tess : O, sige na. Pumasok ka na. Ok na ‘ko. Maraming salamat talaga, Etong.

Lito : Ok lang yun, ‘Te. Ako na muna ang bahala sa ‘yo. Sino pa ba ang magtutulungan kung di tayong dalawa.

Tumayo na si Lito at lumabas ng bahay. Naiwan si Tess na nakatayo sa may bintana. Inihatid ng tingin ang bunsong kapatid hanggang sa makasakay ng jeep.


...!d(-_-)b!...

Si Jason (Isang Maikling Kwento)


       Laging maagang pumapasok si Jason ng aklatan para mag-aral, magbasa ng kailangang basahing libro at gumawa ng mga project. Kakaunti lamang ang tao sa umaga. Marahil may parehas na kadahilanan kay Jason kaya nandun sila.

          Mga isang oras ang tinagal ng biyahe niya mula bahay hanggang iskwela. Alas siyete bukas ng aklatan kaya alas-singko pa lang gising na siya. Madalas nauuna siya sa pagdating ng libraryan kaya sarado pa ito. Uupo siya sa tabi ng pinto para mag-intay; bubuksan ang aklat sa pahinang dapat basahin. Dahil sa mas madalas pang huli dumating ang librarian kaysa sa tamang oras; nakakatulog si Jason sa pag-hihintay. Kilala na si Jason nito kaya marahang ginigising siya nito sa balikat sugyat na bukas na ang aklatan. Isang maliit na ngiti ang babadbad kay Jason na sinusuklian din naman ng bata ng isa ring ngiti.


          “Halika na, anak. Bukas na ang library. Pumasok na tayo. Alam kong marami kang gagawin ngayon,” ang sabi ng babae. “Opo, ma’am,” ang sagot ni Jason. 

          Ngunit noong araw na 'yun ay maaga si Ma’am kaya tuluy-tuloy lamang si Jason sa pagpasok ng silid. Diretso siya sa nakaugaliang upuan; sa tapat ng isang bintana malapit sa mga book selves. Napatingin na lamang ang librarian nang nakaupo na ‘yung bata at nasa kagitnaan ng kanyang pag-aaral. Napatigil ng sandali ang babae upang pagmasdan ang maliit na bata. Marahil sa dalaga pa siya kaya magaang ang kanyang loob sa nakikitang tiyaga at sipag ng batang naituring nang isang anak. 

         Naalala niya bigla ang mga pag-uusap nila. Napansin niyang mailap sa pagsagot ng bata sa mga tanong tungkol sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na nag-iisang magulang. Di niya ito pinansin ng maigi. Inisip na lamang marahil sa likas na mahiyain ang bata. Sapat na regular ang pagpasok ng bata sa iskwela at mukhang maayos ang itsura ng bata; tanda ng may nag-aasikaso sa kanya. Pero ang napansin niya ay ang nakaugaliang hawak ng bata sa kanyang beywang habang magbabasa; parang nangangalay na buntis ang itsura nito. Kasama nito ang sandaliang pagpikit na mariin. 

           Isang taon na sila magkakilala ni Jason at nakasanayan na niya ang paglagi ng bata sa loob ng aklatan. Minsa'y tumutulong ito sa mga maliliit na gawain sa aklatan. Ang pagkuha ng mga libro sa shelves para hiramin at pagbalik nito kapag isinauli na. Naging katu-katulong niya ang bata ng di-naglaon. Lumipas ang mga buwan at ganito ang naging “routine” nilang dalawa. At lalong nakagaan ng kanyang loob ang bata. Bakas sa mukha ni Jason ang kagustuhang makatulong. 

           Kaya labis ang kanyang pag-aalala ng hindi nakapasok ang bata ng ilang araw. Umabot na ng isang linggo ang “absence.” Kinausap niya ang adviser upang alamin ang kalagayan ng bata. Ang sagot na nakuha ay “Marahil eh napagalitan na naman ng nanay yun at pinarusahan.” Nagpasya siyang sumama sa guro para i-“home visit” ang bata. 

        May kalayuan ang bahay ng bata, isang oras ang biyahe. Duon lang niya nalamang tatlong sakay pa pala bago makarating sa lugar. Huli ang sakay sa trisikel papasok sa looban. Nang makababa at makapagbayad sa driber, lumatad sa kanila ang malaking grupo ng mga tao. Sa gitna ng pulutong nito ay isang burol. Maliit lamang ang puting kabaong. May kaingayan ang paligid dahil sa mga nagsusugal. Wari mo’y walang pakialam sa patay; interes lamang ang makataya’t manalo. Napasilip sila sa nakaratay. Laking lungkot ang bumalot sa librarian ng makilala si Jason. Sumagi muli ang mga alala ng kanilang pinagsamahan. Tahimik na tumulo ang luha. Nagkaduktong-duktong na lahat ng kanyang masamid sa bata. Wala nang magawa kung hindi ang makiramay ng tahimik at mataimtim sa inang iniwan ng bata.

...!d(-_-)b!...

Dear Noynoy

May 13, 2010 at 4:43am

Dear Noynoy,

Expect that you're going to face tough resistance to change from people within the government. Eliminating corruption is easier said than done. Be persistent. It's gonna be tough and hard ahead.

Learn from the mistakes of past presidents including your Mom; she's human after all.

Get rid all of your "yes men." You won't be able to see the true picture of our country. Invite people brave enough to tell you the truth.

Be passionate to keep you moving towards our vision for our country.

Always remember that it's our country; not just yours nor mine. Learn to admit that at times you made mistakes and learn from them.

Lastly, always pray before making a major decision because it's the people who will pay for your mistakes.

Ricardo Bulos Ruiz, Jr.

EDSA at Ako

May 15, 2011 at 8:48am

Dalawangpu’t limang taon na ang nakakaraan. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang nang ako’y nasa EDSA kasama ang ilang libong tao. Pawang natatakot ngunit buo ang loob na harapin ang di-malamang kahihinatnang pangyayari na magbabago sa pananaw ng buong mundo sa Pilipino at sa kanyang saili.

Sariwa pa sa akin ang mga araw na iyon. Simula sa pagkapatay kay Ninoy sa tarmac ng M.I.A. (sa ngayo’y N.A.I.A.). Tanda ko pang nasa hallway ako ng kolehiyo ng San Sebastian, hawak ang first draft ng thesis ko sa Economics, patungo sa opisina ng aming thesis adviser. Nagdaan muna ako sa kantina para magpalakas ng loob nang marinig ang balitang nabaril at napatay si Ninoy. Marahil bunga na rin ng aking kabataan at ang kawalang-interes sa balita; unang sumagi sa aking isipan ang thesis ko. “Patay! Paano na ‘to?” Pawang pang-eskwela ang mga sumunod na tanong ko sa sarili. Pero nakatitiyak ako sa isang bagay: magiging magulo ang mga susunod na araw, buwan at taon.

Di naglaon nakatapos na rin ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho. Taong 1985 ako nakapag-umpisa sa San Miguel Corporation. Unang araw ko sa opisina ang a-uno ng Septyembre. Panangdalian lamang ang estado ko sa SMC bilang isang “apprentice programmer.” Anim na buwan lamang ang kontrata ko duon. Madali ang aking “adjustment”; mababait ang mga kasamahan ko. Habang sa labas halos araw-araw ang mga rally at demonstrasyon sa Makati laban kay Marcos. Wala pa ring dating sa akin ang mga ‘to. Marahil naunawaan ko ng kaunti nang napasama ako sa kauna-unahang rally ni Cory sa Makati kung saan ngayon nakatayo ang rebulto ni Ninoy. Maingay pero masaya ang atmospira noon. Parang piyesta o “street party” ang dating dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan ng “yellow confetti” mula sa matataas na gusaling nakapigid sa Ayala at Paseo de Roxas. Halos di ko na marinig ang sinasabi ni Tita Cory sa lakas ng sigaw ng mga raleyista.

Di nagtagal naging “routine” ang mga araw ko: gigising, magbibihis, sasakay ng jeep o ng bus, papasok ng opisina, pagdating ng alas-singko’y uuwi, kakain at matutulog. Akala ko’y magiging tahimik ang paglalagi sa SMC. Pero painit ng painit ang situasyong political; nag-aalab na talaga ang damdamin ng mga Pilipino sa sinapit na tadhana ni Ninoy. Nag-daan ang “snap election.” Nagsama-sama ang mga oposisyon sa kandidatura ni Cory pero “nadaya” pa rin.

Hanggang sa isang araw na lamang mula sa isang balita sa TV na may mga sundalong nagsiumalma at nagsitago na sa Kampo Crame ang grupo ni Enrile at sa Aguinaldo naman si Fidel Ramos at kanyang mga tauhan. Matapos nito’y mabilis na nagsunurang mga pangyayari: ang panawagan ni Cardinal Sin; ang pagtatalo ni Marcos at Heneral Ver sa harap ng kamera; sa pagsalakay ng mga tao sa Malakanyang nang malamang lumikas patungong Hawaii ang mga Marcos hanggang sa panunumpa ni Cory bilang pangulo sa Klub Pilipino.

Nag-uumapaw ako sa pagyayabing ko bilang isang Pilipino noon. Namangha sa papuri ng ibang tao sa kakayanan at lakas ng loob ng mga Pilipino. Subalit unit-unting naglaho ang pakiramdam na ito habang papalayo nang papalayo ang mga alala ng EDSA. Ilang taon na nakalipas ng maging pangulo si Cory at di naglao’y pinalitan ni Fidel Ramos. Nagtratrabaho na ko sa isang bangko sa Makati. Bago pa ang gusali ng kumpanya kaya nagkaroon ng pagbabasbas nito; nagging pangunahing bisita ang pangulong Ramos.

Naalala ko pa ang higpit ng pagbabantay ng mga PSG. Shifting ang departamento naming kaya buong araw at gabi ang pagtatao sa opisina. Nataong panggabi ako noon; alas-diyes ng gabi ang umpisa hanggang alas-sais ng kinabukasan. Halos lahat ng dala ko binubusisi ng mga guwardiya ni Ramos: mula sa laman ng aking back-pack hanggang sa matagal at matinding pagkapkap sa aking katawan. Medyo nakakabastos na nga; halos umabot sa maselang parte ng katawan ko. At nang dumating siya, bawal na ang makapasok o makalabas ng gusali.

Nang aking binalikan ang mga pangyayari mula noon hanggang ngayon, wari ko’y halos walang makabuluhang pagbabago ang nangyari. Sa maraming pinagdaanan ng mga Pinoy parang walang natutunan sa mga leksyon ng kasaysayan . Ganun pa rin ang mga ugali ng karamihan sa pakikipagtungo sa kapwa: ang maisahan ang kapwa; ang palakasan at iba pang di-magandang ugali.

May nakapagsabing mapakaikli ng memorya ng mga Pinoy; madaling makalimot. May naghahayag na magbago na pero hanggang pananalita lamang ito at hindi umaabot sa isagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maging ako’y nawawalan na ng pag-asa.
Kailan ba talaga magbabago ang Pinoy? Talaga bang nakasanayan nang ningas kugon sa lahat ng aspeto ng ating buhay? Ano kaya ang magiging sagot sa mga tanong na ito? Sa aking henerasyon ay nasagot na ito pero ano kaya ang susunod na saling-lahi?

Note: I wrote this piece as part of the requirements in my Pilipino 3 class. It got recently published in the Kuro-Kuro section of Definitely Pinoy. Here's the link : EDSA at Ako

...!d(-_-)b!...

Farewell All Too Soon

December 20, 2010 at 5:26am

As we stood quietly by his coffin, I said a silent prayer for his soul to be at peace with his God. I prayed that he may have done what he was meant to do; that he may have said what he was meant to say; to have seen what he was meant to see; to have loved those he was meant to love; felt what he was meant to feel and lived the life what he was meant to live.

Fare thee well, Memeng. Knowingly and unknowingly, those you left behind won't be the same. As I write this with the rain pouring outside my window, I recall with fondness the moments we had with you. Yes, it is true what the poets had said and written, the briefest of encounters often-times is the most profound.

Pagmumuni-muni

Sunday, May 15, 2011

Malakas ang ingay sa loob ng jeep;
Jeep na byahing papalayo sa bahay;
Bahay na tinuring mula pa sa pagkabata;
Pagkabatang apatnapung taon nang nakaraan.

‘Pag kaabot ng bayad, bumaba;
Bumaba sa harapan ng pamantasan.
Pamantansang dalawang taon nang tinuring pangalawang bahay;
Pangalawang bahay ng ikalawang kurso.

Tumuntong sa gusaling halos katabi lang ng gate;
Gate na ilang beses nilalabas-pasok linggu-linggo.
Linggu-linggo na halos walang patid na pagbabasa at pagsusulat;
Pagsusulat ng iniisip, nababasa, nararamdaman, ng isasagot sa eksam.

Parang walang katapusang pagsagot sa maraming tanong;
Tanong ng sarili, ng mga kamag-aral na pawang naghahanap;
Naghahanap ng di mawaring sagot;
Sagot sa mga tanong sa sarili, sa kapwa, sa buhay.

Randoms thoughts on the Net

Tuesday, May 4, 2010


          Been surfing the Net for a while... Finding things that reminded me of fond and not-so-fond memories... It's like seeing a person from afar...Watching he/she looks now... Imagining him/her then... The memories made; fondly recalled and sadly forgotten... Thinking how would be like if I enter his/her world again; would it be  for the better or worse? For him/her? For me? For us? So many questions I rather not answer; fearing the answers than the questions themselves. sigh...They say that being young is to look forward and becoming old is when we begin to look back... But is to look forward not to look back at all? people, things and memories we left behind... to totally let go... not even shedding a tear? to turn back on things we used to cherish... being reminded of the reasons why we left... reasons of the mind and of the heart... the randomness swirling in my head... recalling... letting go... saying goodbye without a word said...eyes wanting to say everything and nothing at all... tears held back... words rendered meaningless... thoughts forever lost in the staleness of emotions past... wanting.. not wanting... deciding... to be un-decided... sigh.
d!(-_-)!b